Sunday, August 30, 2015

[insert title]

I've been meaning to write for quite some time, pero kapag may hawak na akong bolpen, nawawala na ang lahat. Hanggang sa lumipas na ng lumipas ang mga araw, at habang patuloy akong nag-e-explore tungkol sa mundong akin lamang dating pangarap, at ang mga bago kong kaalaman ay naiimbak nang naiimbak sa paliko-liko kong utak, natapos ko na pala ang unang taon ko bilang guro.

Bakit ko ba ito kailangan pang isulat? Dahil ito ang mga panahong walang ibang nararamdaman ang aking puso kundi ang saya na dala ng pagtuturo. Ito ang mga panahon na lagpas tenga ang aking mga ngiti tuwing makikita kong may natututunan saakin ang aking mga bata... kapag ang mga mata nila ay nagniningning dahil naunawaan nila ang isang bagay na inaakalang mahirap... kapag nakakuha sila ng mataas na marka sa subject na kinatatakutan nila at kinatakutan ko ring ituro. Ito ang mga panahon na napapagod ako, ngunit patuloy ko pa ring gustong pumasok kinabukasan upang magturo. At ito ang mga panahon na sigurado ako na tama ang desisyon ko para pasukin ang mundong ito. Balang araw, alam kong mapapagod ako at panghihinaan ng loob at tatanungin ko ang sarili ko kung tama ba ito. Kapag dumating ang araw na iyon, gusto kong muling maalala ang mga mahahalagang bagay na nakalimutan ko na. Buhayin muli ang pusong tumitibok dahil sa pagtuturo, buhayin muli ang utak na nilamon na marahil ng kahirapan ng buhay, at gisingin ang natutulog na kaluluwang dati rati ay nangangarap lamang.

"So, you're a nurse? Then, why teach?"

And I say. . . "why not?" :)
“For what it’s worth: it’s never too late to be whoever you want to be. I hope you live a life you’re proud of, and if you find you’re not, I hope you have the strength to start over again.” 
— F. Scott Fitzgerald

Sunday, August 23, 2015

Love what you do and do it well.

Being a school teacher makes me realize my strengths and weaknesses, and own potentials. It brings out the best in me, and it still astounds me every single moment that I get to step over my limits specially at times when I think there is nothing more I could give. I don't express it too often pero each time na mare-realize ko na teacher na ko, kinikilig pa rin ako! Haha. Maybe this is what living your dream feels like :)

Friday, August 7, 2015

"if they can't learn the way you teach, teach them the way they learn"

S.Y 2014 - 2015 Grade 6 - St. Catherine
Someone told me di naman daw kelangan ng attachment kasi after 1yr di mo naman na sila makakasama. But you know, when you're there, di maiiwasan yun. One way or another, things will happen, and soon enough you'll realize that you already are part of this small community that they built. And that moment that you let yourself enter their world, the story begins. And they start to love you, and care for you the way they know how, even if you don't ask for it. So paanong mawawalan ng attachment? Hello! This is my first batch of kids, and surely, even after 30 yrs, I will still remember. Thank you, Catherines, for the really wonderful year and for making me a better teacher & person.

Saturday, August 1, 2015


Let us take a moment to appreciate kids' curiosity.